Sabado, Oktubre 8, 2016

Welcome to Davao, kung saan matatagpuan ang "King of Fruit" Durian, balut at banana cue. Kilala ang Davao bilang "Land of Promise" ngunit kilala din ang Davao dahil sa mga nakakatakam na pagkain na matatagpuan dito. At dahil ang Mindanao ay ang "agricultural basin" ng Pilipinas, nabigyan ng pagkakataon ang mga Dabawenyos na lumikha ng kakaibang putahe.

Ito ang mga Sikat na pagkain na dapat mong matikman kapag ikaw ay bibisita sa Davao.


  • Sutokil/Sutukil

Ang Sutukil ay pinaghalong salita ng Sugba, Tola, at Kilaw. Ang Sutokil ay pinaghalong mga pagkain na pwede mong lutuin sa kahit anong gusto mong paraan. Madaming Sutokil restaurants dito sa Davao na tiyak babalik balikan mo. (http://www.philippinecuisine.net/7-delicious-delights-davao/)



  • Ginanggang

Ito ang isa sa mga dapat mong tikman kapag pumunta ka sa Davao. Ito ay sinugbang saging na pinahidan ng margarine at asukal, ang Ginanggang. Masarap na, mabubusog ka at Mura pa. 


  • Street Foods in Roxas Night Market


Ito ang isa sa tumatak sa Davao City. Ang pagkain na matatagpuan sa Roxas Night Market. Klase klaseng pagkain ang nandito. Mapa barbeque, isaw, kwek kwek, puto, buchi, at iba pa. Mga inumin na ang sarap ipares sa iyong kinakain. May bonus pa, pagkatapos mong kumain, pwede ka pang maglibang at bumili sa mga tinda-tinda dito. 



Isa lang ang mga ito sa mga pagkain na pinagkakagulohan sa Davao. Marami pang iba na dapat nating abangan.